|
Kabanata Isa : “Uhh… Ba’t Ganon?”
Mayroon akong dalawang tao na
malapit sa akin at, sa tingin ko’y, napaka importante sa buhay ko. Pero hindi
ako mapalagay… Mahal ko silang dalawa, pero mas magiging maluwag ang pakiramdam
ko kung malaman ko lang kung anong klaseng pagmamahal ang nararamdaman ko kay
Cael at Sid. Ano bang klaseng pagmamahal ang meron ko kay Kael at ano naman ang
kay Sid? Hay…Mga tanong, oo…
August
15, 2005, Monday. Laking tuwa ko ng pumasok ako sa klasrum dahil hindi ako na-late.
Bihira lang mangyari sa’kin ‘yun!. 8:30am ang simula ng leson pero
nakarating ako ng 8. As usual, ang una kong narinig ay ang walang
katapusang halakhakan ng mga kaklase’t kaibigan ko. Hindi na talaga sila
nagsawa. But what can I do! Guys will be guys. At, sa tingin ko, masaya
rin ang sense of “company”. One has to NOT be alone sometimes.
Nakita
ko rin na naandoon na pala si Cael. Palagi siyang maaga. Medyo lumundag yung
puso’t kalamnan ko dahil ang gwapo-gwapo niya at di ko mawari kung gaano siya
kalakas sa akin. Si Cael Natividad ay di gaanong matangkad, pero mas matangkad
siya sa’kin (maliit lang kasi ako e…) Maganda ang kanyang mata at makinis ang
mukha. Fair ang kanyang balat at di gaanong payat, di gaanong mataba,
tama lang. Mahaba ang kanyang buhok, hanggang sa balikat. Medyo magulo nga ito
pero yun ang nagpapa-panalo sa image niya. Nakita ko siya na tumatawa sa
mga jokes ng kanyang mga kasama. Gusto kong ngumiti at mamula pero
pinaandar ko na lang ang pagtago ko ng emosyon. Dumaan ako na parang
‘wala lang’ kasi kunwari manhid ako.
“Oy, Ashley! Aga natin a!”
tinawag ako ni Romel. Eto naman si Romel Padigan. Payat siya, medyo matangkad,
nagsasalamin (kulay dark blue lang ang outline sa ilalim ng glass at sa ibabaw ay wala…) Fair-skinned
at maikli ang buhok ngunit nakababa ito, mga two to three inches and
haba ng kada strand ng kanyang buhok. Nakaupo sa isang sulok si Romel,
nagdo-drawing ng puno na may prutas at ahas ng nakita niya akong ilagay
ang bag sa arm-chair harap sa kung saan siya nakapwesto.
“Uy…” sinagot ko ang katanungan.
“Ayus lang. Nagtitipid ako e kaya ibang ruta ang sinubukan ko. Yung isang ruta
kasi mas makakatipid ako, hehehe,” sabi ko habang tinitignan ko ang kanyang drawing
Bigla akong napatingin sa pwesto
nina Cael. Nagulat ako kasi nagkatinginan kami ni Cael kungkaya’t tumingin na
ako agad sa ibang direksyon, kunwari may nakitang kaaya-ayang view sa
labas ng window kahit wala naman.
Madalas ko ng nahuhuli si Cael
na tumitingin sa direksyon ko. Ang kapal din naman siguro ng mukha ko kung inisip
ko na tumitingin siya sa akin. Pero inisip ko talaga ang mga possibilities
na hindi pupwede na maging pawing “coincidence” lang iyon. (Masyadong marami
ang mga iyon kaya’t hindi ko na ibabahagi hehe..) Pero ayun nga, ba’t ba tingin
ng tingin yun sa’kin? Siguro ang pangit ko kaya ganoon. Anyway, emotion-less
mode na lang ako nung nagsimula ang mga so-called ‘Staring Frenzies’.
Pagkatapos ng morning class na
natapos from 8:30am to 11:30am ay lumabas na kami para kumain. Dapat
sasabay ako sa kada ko: Eloy, Lea, Cael, Matthew, Sandy, Bea, , Choy, Andy,
Saza, Jod, Mot at Ed, ng kinalabit ako ni Zen, kaklase ko rin (buhok ay parang
kay Wa Ze Lei ng F4, may pink na clip, maliit, at Tan-skinned.
“Uy Ash! Sabay ka sa’min ngayon
kumain!”
“Bakit? Sabay ako kina Saza
ngayon e, bukas na lang…”
“Sasama si Sid sa’min ngayon!”
“O?” Lumaki ang mga mata ko sa
sindak.
“Oo! Tas kausapin mo. Diba sabi
mo mismo sa’kin na gusto mo mag-sorry sa kanya dahil dun sa nangyari
nung Thursday?” sabi ni Zen habang inaayos ang kanyang bag na nakasuot
na sa kanyang balikat.
Nag-isip ako noon habang sinabi
sa akin ni Zen. Oo, totoo na gusto kong mag-sorry. Medjo nag-away yata
kami ni Sid nung araw na iyon. Iyon na ata ang isa mga pinaka-ayaw ko na araw,
ng magsabi si Sid ng isang bagay na ayaw kong marinig.
Sinabi ko kay Zen na sasabay ako
sa kanila. Pinuntahan ko sina Saza at sinabi na hindi ako sasabay sa kanila.
Nakita ko sa aking peripheral vision sa bandang kanan na nakatitig lang
si Cael sa direksyon ko, nanaman, na parang di maintindihang bato. Nag-babay
ako sa kanila at pati na rin kay Cael. Itinaas lang niya ang kanyang ulo,
senyales na nag-babay rin siya.
Nakarating na kami sa “InKa”,
isa sa mga masasarap na karinderya malapit sa building namin. Di
nagtagal ay sumunod si Sid. Nakita kong palakad papunta sa’min. Naka-back-pack,
maikli ang buhok, pero mas mahaba ang length kaysa kay Romel (yung buhok
parang nakabalot sa kanyang mukha…) Di rin gaanong matangkad pero mas matangkad
si Cael sa kanya. Tama lang din ang katawan, medjo maputi at cute ang face
niya.
Nakita ako ni Sid at napansin ko
na umiba ang kanyang mukha ng Makita niya ako. Umupo siya sa tabi ko at nag-greet
sa akin. Nag-greet din ako sa kanya habang kinukuha ko ang pera sa wolet
ko. Sa isip-isip ko, ang tanga ko nanaman dahil gusto ko ng sumbatin ang
salitang “Sorry Sid!” pero parang may pumipigil.
“Musta?” biglang nagsalita si
Sid. Nakatingin siya sa’kin at sa wolet na hinahalungkat ko.
“Okay naman, ayun medjo
nakakatulog na” sinabi ko habang medjo natatawa. Natawa rin ng kaunti si Sid.
“Ako nga rin walang tulog. May
tinapos akong plate na kailangan bukas. Nagkamali ako kaya inulit ko. Bad trip
nga e…” sabi ni Sid habang inayos ang kanyang buhok at tumingin sa kanyang
harap.
Tinignan ko si Sid at bigla kong
sinumbat ang kanyang pangalan…
Lumingon ulit si Sid sa akin at
tinanong niya kung bakit.
Nailabas ko na ang “Sorry
Sid!” sa bibig ko. Nasabi ko na ang Sorry na ginusto kong sabihin.
Nagtaka ako dahil natawa siya sa sinabi ko. Tinanong niya kung bakit ako nagso-sorry
sa kanya.
“E kasi diba? Binabara kita…”
sabi ko habang nakatingin sa baba. Nung mga oras na iyon, hindi yata ako
tumitingin sa kanya pero napansin ko na tumitingin siya sa akin na parang super
attentive niya. “…Bara ako ng bara sa mga jokes mo. Hindi ko talaga
sinasadya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ko ginawa yun. Hindi naman kasi
ako talaga ganon…” Nakatingin na ako sa baba, halatang hindi makatingin sa mga
mata ni Sid.
“Okay lang yun!” biglang sabi ni
Sid. Tinap nya ako ng dalawang beses sa kanang balikat gamit ang kaliwang kamay
niya. Nagtawanan na lang kaming dalawa at sabay kaming nag-order ng makakain.
Naging maayos na ulit kaming
dalawa ni Sid. Nagkwentuhan kami ng kung anu-anong mga bagay. Mas marami kaming
napag-usapan di tulad nung mga nakaraang mga araw na limitado lang ang mga topics
na pinag-usapan.
“Ash…”
May lalaki na tumawag sa likod
ko. Nagulat ako kasi nakilala ko ang boses. Boses ni Cael. Lumingon ako agad
para Makita, at oo tama ako na si Cael nga. At napatanong ako sa sarili kung
ano ang ginagawa niya dito
“Uy! Asan sila Saza, Eloy?”
tanong ko
“Ayun, nagka-Counter raw malapit
dito e.” sabi ni Cael.
Lumingon bigla si Sid kay Cael
“Pare, nga pala, kilala mo si Angie?”
“Uhh.. Oo. Bakit?” sabi ni Cael
na parang walang gana. (Pero madalas ganoon siya magsalita…)
“Oo pero sa isang subject
lang na minor. Nagulat ako, bigla akong kinausap. Tas tinanong kung
kilala ko ba raw ikaw…” banggit ni Sid. Papalit-palit ang tingin ko sa dalawang
lalaki na parang nanonood ng Ping-Pong o di kaya Tennis.
“Ahh… Oo nung high school ko sha
nakilala,” sabi ni Cael. Napansin ko na parang umiba ang kanyang mukha ng
matapos magkwento si Sid. Tinanong ko kay Cael kung sino yung Angie na iyon, at
sabi niya friend raw niya tas higher batch raw. Ginusto ko pang mag-fishing
ng iba pang impormasyon pero biglang narinig ko ang ringtone ko. May
tumatawag pala nung oras na iyon.
Agad kong sinagot at, sa
kabilang linya isang boses lalaki. Matagal na ng huli kong narinig ang boses na
iyon.
“Kob! Musta?”
Sinabi niya sa’kin na ayus lang
siya, pero sa tono ng kanyang boses, nahalata ko na hindi siya O-K. Agad
kong tinanong kung anong problema niya pero nagulat ako na nasa school
pala siya! Tinatanong niya sa’kin kung san raw kami pwedeng magkita dahil naghihingi
ng advice sa’kin tungkol dun sa nililigawan niyang babae na nag-aaral din sa same
school pero sa ibang building naman.
Nagulat ako at hindi mapalagay
nung mga minu-minutong iyon habang kausap ko si Kob. Bihira lang tumawag itong
lalaking ito at bihira lang din magsabi sa akin for advice! Puno ako ng
pagtataka pero sinabi ko na lang din sa kanya na pupuntahan ko siya ngayon din.
Nag-sorry ulit ako kay Sid at
nagpaalam. Mabuti naman at ok-ok na si Sid at masaya pa siyang kumaway.
Nagpaalam din ako sa mga kasama ni Zen at, lastly, kay Cael.
“Sino yun? Boyfriend?” tanong ni
Cael
“Hahaha ngek. Si Kob tumawag!
Andito raw! Puntahan ko raw, naniniwala ka ba?” sabi ko na patawa’t nakangiti.
“Di ayus lang. Maglalaro pa ako
e.” sabi ni Cael.
“Haha o sige. Basta kita-kits
nalang mamaya, teks-teks na lang a! Sabihin mo sa kanila may mi-nit lang ako…”
sabi ko habang inaayos ang aking lime green shoulder bag.
“Sige…” sabi ni Cael na parang
walang gana nanaman. Ngunit sanay na ako sa tonong iyon.
Kumaway na ako kay Cael at kay
Sid at sa iba at naglakad na ako ng mabilis para puntahan si Kob.
|